
KalyeSerye
Season 2015
TV-PG
A soap opera parody segment that was aired live on the Filipino noontime variety show Eat Bulaga! on GMA Network. The mini-show, as it had evolved, focused on AlDub, the fictional couple pairing — or "love team" as it is more commonly known in the Philippines — of Alden Richards and Maine Mendoza's "Yaya Dub" character in which the two only communicate through lip-syncing to various pop songs and movie audio clips as well as written messages, and interact only on the show's split-screen frame. Richards is usually based in Broadway Centrum studio of Eat Bulaga! in Quezon City, Metro Manila while Mendoza travels around to a different external location.
Where to Watch Season 2015
140 Episodes
- Day 3: ON SCREENE3
Day 3: ON SCREENAlden & Yaya Dub shared their 2nd on screen kiss while Lola Nidora criticize their way of communication. This is said to be the lost episode since this is the only episode of the KalyeSerye not uploaded on the official Facebook page of Eat Bulaga but was uploaded on its official channel. - Day 10: Ang Secret DiaryE10
Day 10: Ang Secret DiaryNilabas na ni Lola Nidora ang SECRET DIARY..panahon na sana para malaman ng lahat ang reason kung bakit ayaw niyang magkatuluyan sina #YayaDub at #Alden. Mabuti nalang kinuha ng Riding in Tandem. Dahil dito hindi na nya mailalahad kung ano man ang nasa loob ng diary. - Day 12: The RansomE12
Day 12: The RansomTinawagan ulit si Lola Nidora ng Misteryosong Caller at pinapatubos sa kanya ung Secret Diary ng P50 Milyon Pesos. Kaya nag-isip sya ng paraan na ipatubos din nya si #YayaDub kay #Alden ng P51,500,000 pesos... yung tira para daw sa kanya at sa pagpa-check up ng tenga nya. - Day 13: 2nd WeeksaryE13
Day 13: 2nd WeeksaryAng pangalawang linggo ng pag-iibigan nila #YayaDub at #Alden. Ito ang araw na kailangang matubos ni Alden ang kanyang Prinsesa kaya lng sya naman ang napahamak..may biglang nagdukot sa kanya. Hanggang ngaun hindi alam kong sino ang nasa likod o mastermind ng pagdukot sa kanya. Pwedeng si Lola Nidora? Abangan nlang natin... sino kaya? - Day 14: HELP!!!E14
Day 14: HELP!!!Nalungkot si #YayaDub sa nangyari kay #Alden at parang hindi nya nakakayanan na hindi nakikita ang Prince Charming nya. On the other hand, may good news naman kasi malalaman na kung sino ang nasa likod ng pagpapadukot kay Alden. Nahuli mismo sa bibig ni Lola Nidora..sinabihan nya ung mga body guards nya na sina Rogelio 1, Rogelio 2, Rogelio 3, at Rogelio 4..kung bakit raw nakatakas si Alden. Naniniwala rin ba kayo na sya nga? - Day 16: Hello, Doktora! Nakatakas si Lola! Run, AlDub, Run!E16
Day 16: Hello, Doktora! Nakatakas si Lola! Run, AlDub, Run!Habang nasa kulungan si Lola Nidora, dumating naman ang kanyang apo na si Doktora The Explorer galing AFRICA kasi tinawagan sya para daw tubusin nya ang kanyang Lola. Naging masaya ngaun sina Yaya Dub at Alden dahil wala na ung humaadlang sa pag-ibig nila. Subalit, may biglang dumating na balita na nakatakas raw si Lola Nidora sa kulungan kaya inutusan ni Doktora sila Rogelio1, Rogelio2, Rogelio3, at Rogelio4 na salubungin ang kanyang Lola at habang sila naman na dalawa ni Yaya Dub ay aallis para hanapin si Alden.. Ano kaya ang mangyayari? Magkikita na kya silang dalawa? Abangan natin... - Day 17: Disguise Pa More, Lola Aunor!E17
Day 17: Disguise Pa More, Lola Aunor!Kahit bumalik na si Lola Nidora, hinding hindi pa rin nagpapatinag ang pag-iibigan nina Yaya Dub at Alden. Subalit, after na tinawagan si Lola, sinabihan nya si Yaya Dub na "Tapos na ang maliligayang araw mo!" Ano kaya ang sinabi kay Lola Nidora ng taong nakausap nya sa Phone? Abangan po natin bukas... - Day 18: The Fixed Marriage #YaKieE18
Day 18: The Fixed Marriage #YaKieIto ang araw na nagulat ang lahat na biglang pumasok ang apo ni Lola Nidora na si Frankie. Sya ang gustong ipakasal kay Yaya Dub pero tutol na tutol si Alden at hindi sya papayag na mawala sa kanya ang kanyang nag-iisang on-screen SWEETHEART! - Day 19: 3rd Weeksary: The EngagementE19
Day 19: 3rd Weeksary: The EngagementIto ang pangatlong linggo ng pagmamahalan nila Yaya Dub at Alden kaya lang naging araw ng Engagement Day para kay Yaya at Frankie dahil sa pinilit ni Lola Nidora na ipakasal sya sa kanyang apo para maibalik sa kanya ung Secret Diary. Ibibigay sa kanya ni Frankie ung pangtubos na P51 Milyon pesos kapalit ng pagpapakasal nya kay Yaya Dub sa Sabado. Matutuloy na kayang magkakahiwalay silang dalawa ni Alden? - Day 20: The Runaway BrideE20
Day 20: The Runaway BrideIsang araw nalang ikakasal na sila Yaya Dub at Frankie. Di mapigilan ni Alden na malungkot sa nalaman nya na bukas na ang kasal. Di nya matatanggap kaya gagawa sya ng paraan para hindi matuloy ang nasabing kasalan. Ang good news ay nakatakbo si Yaya Dub kaya lang hindi natin alam kung naabutan sya nina Rogelio 1, Regelio 2, Rogelio 3, and Rogelio 4. Ano kaya ang mangyayari kapag natuloy ang kasal bukas? Sana hindi... - Day 21: The Wedding CrasherE21
Day 21: The Wedding CrasherAng araw ng kasal nila Frankie at Yaya Dub at ito rin sana ang araw ng unang pagkikita nilang dalawa ni Alden. Dahil sa gustong pigilan ni Alden ang kasal, pinuntahan nya ito at unfortunately hindi nya naabutan ang kanyang Prinsesa dahil sya ay nahimatay habang nasa seremonya ng kasal at dinala sa hospital. Ano kaya ang mangyayari sa Lunes? Matutuloy pa rin ba ang kasal o sadyang ang Tadhana na ang nagpapatunay na hindi sila karapat dapat ni Frankie na magkatuluyan. Abangan po natin... - Day 22: AlDub You!E22
Day 22: AlDub You!Dahil sa sobrang namimiss na ni Alden si Yaya Dub at gusto nya itong makita, pumunta sya sa barangay at nag aasa na makita nya ang minamahal nya. Subalit ang nkita nya ay si Frankie..ang lalaki na pilit na inaagaw sa kanya si Yaya Dub. Kaya kahit anong mangyari sa kanya dun, patuloy pa rin nyang pinalalaban ang pag iibigan nilang dalawa. - Day 23: Sulat Pa More para Kilig Pa MoreE23
Day 23: Sulat Pa More para Kilig Pa MoreAfter two days na hindi natin nakita si Yaya Dub dahil sa kanyang naramdaman sa kalagitnaan ng kasal nilang dalawa ni Frankie. Ito ngaun malakas at masaya na sya kasi may posibilidad na bukas na ang 'Tamang Panahon' para magkita silang dalawa ng kanyang minamahal na si Alden. - Day 24: Sa Tamang PanahonE24
Day 24: Sa Tamang PanahonMasayang masaya si Alden sa araw na ito kasi nag-aasa syang magkikita na silang dalawa ni Yaya Dub. Inaabangan nya ito hanggang dumating ung moment na hinanap nya ito sa loob but hindi pa rin nya nakita ang kanyang Prinsesa at nalaman nalang nya na paalis na si Yaya Dub..Kaya hinabol nya ito hanggang sa labas ng Broadway. Unfortunately, hindi pa talaga ito ang 'TAMANG PANAHON' para magkita silang dalawa. Kailangan ni Alden na magsakripisyo muna at malampasan ang lahat na pagsubok na binibigay sa kanya ni Lola Nidora. - Day 25: 4th Kwek-KwekSaryE25
Day 25: 4th Kwek-KwekSaryPatuloy na namimiss nilang dalawa ang isat isa at nasasabik na si Alden na makita si Yaya Dub in person kaya lang ang Tadhana talaga ang pumigil at ang nakakaalam kung kailan ang Tamang Panahon na pwede na silang magkita. Ito ang araw na nagalit din at nagselos si Yaya Dub kay Alden kasi ang akala nya mayroon nang ibang nililigawan ang taong mahal nya. Nang nakita nyang picture lng pla nya ang ka-date ni Alden, biglang bumalik ang matamis at ang kinikilig niyang ngiti. Ito rin ang ang araw ng kanilang FOURTH-WEEKSARY! - Day 26: Don FraningE26
Day 26: Don FraningDumating ang Lolo ni Frankie para iparating kay Lola Nidora na kailangang ipagpatuloy ang naudlot na kasalan ng kanyang apo at ni Yaya Dub. Kaya hinahamon ni Lola si Alden kung malalampasan nya ang mga pagsubok na ibibigay sa kanya at ang pagsubok na un ay nakalagay sa isang box. Ano kaya ang laman at ang magging hamon na gagawin ni Alden para maipaglaban nya ang kanilang pagmamahalan ni Yaya Dub? - Day 28: Only You asawa ni Only YaaE28
Day 28: Only You asawa ni Only YaaPinarusahan nina Lola Nidora at Frankie Arinoli ang mga Rogelio dahil nagawa ni Alden na takbuhin ang Broadway hanggang EDSA ng 17 minutes, nagpadala si Alden ng chicharon sa parating high blood na si Lola Nidora, at pinapili ni Lola Nidora si Yaya Dub kung siya o si Alden ang mas mahalaga. - Day 31: Ang Huling Habilin ni Lola (5th Weeksary - Isaw Pa More!)E31
Day 31: Ang Huling Habilin ni Lola (5th Weeksary - Isaw Pa More!)Pinadala ni Alden sa riding in tandem ang paboritong pagkain ni Yaya Dub - isaw! Dumating ang guwapong si Dr. Tan-ning. Nagselos si Alden dahil sweet si Yaya kay Doc. May tanning na ang buhay ni Lola. Hanggang 2:30 pm na lang siya mabubuhay sa Sabado. Ang huling hiling niya kay Yaya, pakasalan si Frankie. Matuloy kaya ang YaKie wedding? - Day 32: Paano na ang Forever?E32
Day 32: Paano na ang Forever?Dahil may taning na ang buhay ni Lola Nidora, hihilingin nito kay Alden na pagbigyan na siya sa kanyang kagustuhang maikasal si Yaya Dub kay Frankie. Pagbibigyan kaya ni Alden ang hiling ng matanda, o ipaglalaban pa rin niya ang pagmamahalan nila ni Yaya Dub? - Day 33: Ang KatotohananE33
Day 33: Ang KatotohananBago nag-exchange ng I do's sina Yaya Dub at Frankie, ginawa lahat ni Alden upang pigilan ang kasal. Pero bantay sarado ang mga Rogelio. Natuloy ang YaKie wedding at may dumating na mga pulis. Peke pala ang pastor na nagkasal sa dalawa. Arestado si Father, kaya tuloy ang forever! - Day 34: Happy AlDub Forever!E34
Day 34: Happy AlDub Forever!Sumayaw sa tuwa sina Alden at Yaya Dub dahil tuloy ang kanilang forever! Nagpaalam naman si Frankie kay Yaya Dub. Babalik na raw siya sa Italy with a broken heart. May mystery caller si Lola Nidora na tila nanggigipit sa kanya. Abangan ang pagpapatuloy ng kalye-serye mamaya sa Eat Bulaga. - Day 35: Pabebe TwinsE35
Day 35: Pabebe TwinsDumating ang riding in tandem bitbit ang candy na pasalubong ni Alden kay Yaya Dub. Dumating din ang twin ni Lola Nidora, si Lola Tidora! At si Lola Tidora may bitbit din, ang mga Bernardo. Sina Lola Nidora at Tidora pala ang original Pabebe twins. Ang twin ni Lola Nidora, may sikretong ibubunyag tungkol sa kanya. - Day 37: Pili at Pillow (6th Weeksary)E37
Day 37: Pili at Pillow (6th Weeksary)Ingat na ingat si Lola Nidora na hindi malaman ni Yaya Dub ang kanyang lihim. Pinasalubungan ni Alden si Lola ng isang basket ng pili nuts. Pink hat naman para kay Yaya. Nag-celebrate ng weeksary ang AlDub. Na-miss daw nila ang isa't isa. How sweet! Ayon kay Jose, nahanap na raw si Lola Tinidora. Ang pangatlo sa Pabebe triplets na tunay na ina ni Yaya Dub. - Day 38: Kalye's AngelsE38
Day 38: Kalye's AngelsSa wakas, dumating na rin ang pangatlo sa Pabebe triplets, si Tinidora. At kasama niya ang Quando, Quando, Quando. Ngunit meron siyang malaking rebelasyon! Hindi raw niya anak si Yaya Dub. Ang tunay na ina ni Yaya ay ang pang-apat nilang kapatid. Ang Kalye's angels, hindi lang tatlo. Apat pala! - Day 39: Two points!E39
Day 39: Two points!Hinamon ni Lola Nidora si Alden na kunin ang tatlong lalagyan ng sili sa loob ng limang minuto na hinagis niya sa swimming pool. Ang binata hindi nag-atubili na sisirin ang mga ito para kay Yaya Dub. Sa huli, nagtagumpay si Alden at naka-two points na sa scoreboard. Samantala, may ibubunyag na sikteto si Lola Tinidora ngayong Lunes. Matuloy kaya ito? - Day 43: Love lock! (7th Weeksary)E43
Day 43: Love lock! (7th Weeksary)Excited na ang lahat sa Bulaga Pa More kung saan maglalaban sina Alden at Yaya Dub. Ang mga Rogelio nagsimula nang mag-rehearse. Si Yaya Dub nakatanggap ng chocolates mula sa Pambansang Bae. At si Lola Nidora tila kinilig din kay Alden. Going strong ang AlDub! Pero ngayong araw na ito, nag-LQ ang dalawa! - Day 45: The First TimeE45
Day 45: The First TimeAng pinakahihintay ng lahat ay nangyari na. Sina Alden at Yaya Dub nagkita na ngunit na-disappoint si Lola Nidora dahil nilabag nila ang isa sa mga kundisyon nito. Napaluha ang AlDub. At nang utusan ni Lola na kunin na ng mga Rogelio si Yaya Dub at isakay sa van, may mga kalalakihang dumampot sa kanya! - Day 46: Finding Yaya!E46
Day 46: Finding Yaya!Nagbalik-tanaw sina Lola Nidora at Tinidora sa unang pagkikita nina Alden Richards at Yaya Dub sa Eat Bulaga noong Sabado (Sept. 5). Dahil sinuway nina Alden at Yaya si Lola, binura nito ang two points ng Pambansang Bae. Start from scratch daw ulit si Alden. Samantala, nawawala pa rin si Yaya Dub. Sino kaya ang dumukot sa kanya? - Day 47: Wall PostE47
Day 47: Wall PostNawawala pa rin si Yaya Dub. Si Lola Nidora sinisisi ang mga Rogelio dahil na-kidnap si Yaya. Kaya nag-recruit siya ng mga bodyguards mula sa mga Cuando ni Tinidora. Sino ang pumasa? Samantala, si Yaya Dub nagsulat sa dingding ng message para kina Lola Nidora at Alden. Humihingi ng saklolo. Pakakawalan na raw siya ng mga kidnappers sa isang kundisyon. - Day 48: Missing YayaE48
Day 48: Missing YayaPatuloy pa rin ang paghahanap nina Lola Nidora, Tinidora, at Alden kay Yaya Dub. Nagkalat na sila ng posters sa lansangan at nag-post sa social media ng panawagan for the missing Yaya Dub. Tumawag din ang mysterious caller ni Lola Nidora. Sinabi niyang nasa Broadway raw si Yaya. Nabuhayan ng pag-asa si Alden at hinanap si Yaya. Ngunit sadyang pilyo si caller. Wala naman pala roon si Yaya. Paano na ang weeksary ngayong araw na ito? - Day 49: 8th WeeksaryE49
Day 49: 8th WeeksaryMalungkot ang weeksary ng AlDub dahil hindi sila nagkita kahit sa split-screen. Si Lola Nidora, nagkakasakit na sa pag-aalala. Nabuhayan ng pag-asa sina Lola Nidora at Tinidora dahil natunton nila ang lugar kung saan itinago si Yaya Dub. Ngunit pagdating nila rito, wala na si Yaya. Nakatakas siya sa kamay ng mga kidnapper! Ngunit ang Pambansang Bae naman ang dinukot ng mystery caller. Magkikita pa ba ang AlDub? - Day 50: Finding AlDubE50
Day 50: Finding AlDubPagod na pagod na si Lola Nidora sa paghahanap kay Yaya Dub, pati ang mga Rogelio, puyat! Hindi lang sila ang naghahanap kay Yaya, buong mundo tumutulong para siya matagpuan. San nga ba napadpad si Yaya? Si Alden naman, patuloy na pinahihirapan ng mga kidnappers. But wait, there’s more, naabutan si Yaya ng kidnappers. Sino nga ba ang mastermind ng mga kidnappers? Magkikita pa ba ang AlDub? May forever ba para kay Alden at Yaya Dub? - Day 51: The AbductionE51
Day 51: The AbductionNakilala na ng bayan ang kumidnap kina Alden at Yaya Dub. Si Duhrizz pala ang nagpadukot sa dalawa dahil sa selos. Muling nagkita ang AlDub at nagkabanggaan pa! Ngunit pinaghiwalay pa rin sila ni Duhrizz . Buti na lang dumating sina Tidora at Tinidora, ang SWAT (Sisters with Attitude). Kinumbinse nila si Duhrizz na pakawalan na si Yaya Dub. Nagsisi rin si Duhrizz sa bandang huli at humingi ng tawad kay Yaya. Ngunit ang happy ending napalitan ng masamang balita - may nangyari raw kay Lola Nidora! - Day 52: The Inexplicable FeelingE52
Day 52: The Inexplicable FeelingNagdiwang ang buong barangay dahil naibalik na si Yaya Dub kay Lola Nidora. Nagkaroon nga ng karaoke party sina Tidora, Tinidora at ang isang pulutong ng Cuando. Si Alden at Yaya kakaiba na raw ang nararamdaman para sa isa't isa? Tuloy-tuloy na kaya ang ligaya ng dalawa? - Day 53: Ang Winner Sa Puso KoE53
Day 53: Ang Winner Sa Puso KoPuno ng magandang aral at kilig ang kalye-serye episode. Si Lola Nidora, tila pumapayag nang magkita sina Alden at Yaya. Sinabi pa nga nito sa dalawa na gawing inspirasyon ang pag-ibig. At inannounce na rin kung sino ang winner sa Bulaga Pa More wild card edition. Walang iba kung hindi si Yaya Dub. - Day 54: A Very Special Day (Second Monthsary)E54
Day 54: A Very Special Day (Second Monthsary)Sa second monthsary ng AlDub, kinantahan ni Alden si Yaya at binigyan ng roses. Nagsulat din siya ng love letter para sa dalaga. Pati sina Lola Nidora, Tidora at Tinidora, may bouquet! At sa special day na ito, nagpasaya si Yaya ng isang Sugod Bahay Gang winner. Ang kanyang napanalunan sa Bulaga Pa More, ibinigay n'ya kay lola. How sweet of you Yaya! - Day 55: EAT's A Date (9th Weeksary)E55
Day 55: EAT's A Date (9th Weeksary)Tinest muna nina Lola Nidora, Tidora at Tinidora sina Alden at Yaya Dub. Ano ang naging score nila sa compatibility test? Ni-reveal din ni Lola Nidora ang kanyang gift sa AlDub. Pumayag na siyang mag-date sina Alden at Yaya sa Sabado. Kilig much ang 9th weeksary ng AlDub. - Day 57: First DateE57
Day 57: First DateIto ang pinakaunang date nila Yaya Dub at Alden kung saan marami ang naghintay sa panahong ito. Subalit marami din ang nalungkot kasi konting minuto lang silang nagkasama at nagkaharap dahil pinakita ni Yaya Dub ang kanyang pagmamahal kay Lola Nidora na syang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. Iniwan nya si Alden para lang maipainom si Lola ng kanyang gamot sa tamang oras. - Day 58: "Lolaaa..."E58
Day 58: "Lolaaa..."Nag-worry ang AlDub Nation dahil hindi nila nakita si Yaya Dub nang dumating sina Lola Nidora at Tidora sa barangay. Nasaan kaya si Yaya? Nagpakita rin siya ngunit may benda sa ulo. Naaksidente kasi nang umuwi galing sa first date nila ni Alden. Sa kasamaang palad, hinimatay siya ulit. Epekto kaya ito ng kanyang pagkakauntog? - Day 60: "AlDub You!"E60
Day 60: "AlDub You!"Masaya ang buong barangay sa pagbabalik bi Yaya Dub. Energetic na energetic nga ito at tila naka-recover nang mabilis dahil sa mga regalo ni Alden. Naglambing pa nga siya sa Pambansang Bae at nagpabili ng pritong lumpia. Dali-dali namang naghanap si Alden ngunit sa kasamaang palad, wala siyang nakitang lumpia. Nagtampo si Yaya. Nangako naman si Alden na bibili siya ngayong araw na ito. Matupad kaya ni Alden ang kanyang pangako sa weeksary nila ni Yaya? Samantala, may narinig na namang misteryosong boses si Lola Nidora. Kanino kaya ito na nagsabi pang "AlDub you!" - Day 61: The Mansion is Now OPEN (10th Weeksary)E61
Day 61: The Mansion is Now OPEN (10th Weeksary)Sa 10th weeksary ng AlDub, may malaking sorpresa si Lola Nidora sa dalawa - puwede nang umakyat ng ligaw si Alden kay Yaya sa mansyon ni Lola! Sa tuwa ng dalawa ay tila napasigaw si Yaya Dub! Narinig ba ng AlDubnation ang boses ni Yaya? Ano kaya ang mangyayari sa unang pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya? - Day 63: National Pabebe Wave DayE63
Day 63: National Pabebe Wave DayBuong pusong tinanggap ni Lola Nidora si Alden na dumalaw kay Yaya Dub. Nang nakapasok na si Alden sa Mansyon, mamaya't maya bumaba na si Yaya Dub papuntang Living Area kung saan naghihintay ang kanyang minamahal. Kumain silang dalawa after na pinakilala ni Lola Nidora si Alden sa kanyang mga kapatid. Pagkatapos nilang kumain, nagpaalam na si Alden na uuwi na kasi matutulog o magsisiesta na raw si Lola Nidora. Nang makaalis na sya, si Yaya Dub naman sa sobrang saya nya, bigla siyang nakapagsabi ng: "IT MUST BE LOVE!" - Day 64: May HIMALA! May Nagsalita!E64
Day 64: May HIMALA! May Nagsalita!Sinariwa nina Tidora at Tinidora ang pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub noong nakaraang Sabado. Napansin din nila na mainit ang ulo ni Lola Nidora mula nang umalis si Alden sa mansiyon. Bakit kaya? Si Yaya naman at Alden, happy pa rin sa kanilang pagkikita. At nang nag-fan sign si Alden ng "AlDub You," may sumagot ng "MaAlden Kita." Kanino ang misteryosong boses na ito? - Day 65: Someday We'll KnowE65
Day 65: Someday We'll KnowHindi raw nakatulog si Lola Nidora dahil sa ingay ng kuwentuhan nina Rihanna at Yaya Dub. Siguro raw ay si Alden ang pinag-uusapan nila. Si Tinidora naman ibinalita na gustong makipagbalikan ng ex-boyfriend niyang si Bill. May gustong sabihin si Alden kay Yaya Dub. Nasabi ba niya? - Day 66: Hawak KamayE66
Day 66: Hawak KamayHonesty is the best policy. Nag-confess si Alden kay Lola Nidora na nahawakan niya ang kamay ni Yaya Dub noong Sabado dahil inabutan niya ng tubig ang nabubulunang dalaga. Nagalit si Lola, ngunit napatawad din niya si Alden dahil naging honest ito sa kanya. Samanatala, si Yaya Dub may sorpresa raw kay Alden ngayong weeksary nila. Ano kaya ito? - Day 67: SURPRISE! (11th Weeksary)E67
Day 67: SURPRISE! (11th Weeksary)Sinorpresa ni Yaya Dub si Alden sa kanilang 11th weeksary. Nag-bake siya ng cupcakes para sa Pambansang Bae at ipinadala sa riding in tandem. Siyempre, hindi nagpahuli si Alden. Flowers at isang sulat na "for Meng's eyes only" ang kanyang binigay sa dalaga. How sweet! - Day 68: Duet? Sa Tamang Panahon!E68
Day 68: Duet? Sa Tamang Panahon!Excited na ang lahat sa magaganap na pagbisita ni Lola Nidora at Yaya Dub sa Broadway studio! Kasama rin siyempre si Lola Tidora at Tinidora sa broadway para ma-meet and greet nila ang Dabarkads at TVJ at makilala ng lubusan. Siyempre, excited din si Alden at muli silang magkikita ni Yaya Dub. Maghahanda ng mabuti ang Dabarkads para ma-feel ni Yaya at mga Lolas na welcome na welcome sila sa EB. - Day 70: Palit tayo! Ako sa puso mo, ikaw sa puso ko!E70
Day 70: Palit tayo! Ako sa puso mo, ikaw sa puso ko!Nag-switch ng roles si Yaya Dub at Alden dahil sa hiling ni Lola Nidora. Si Alden ay sasama sa sugod-bahay para manilbihan kay Lola Nidora. Si Yaya Dub naman ay mag-stay sa Eat Bulaga para maging close sa mga Dabarkads. Ano naman kaya ang nangyari sa Mansyon? Bigla kasing tumawag si Rhianna at nagsabi ng masamang balita kay Lola Nidora. - Day 71: No! No! No!E71
Day 71: No! No! No!Dahil wala si Alden sa Eat Bulaga Kalye-serye kanina, hindi maiwasang malungkot ni Yaya Dub. Mabuti na lang nandoon si Yaya Luvs at Bae-by Baste para aliwin si Yaya Dub. Hindi rin ito pinalampas ni Lola Nidora at pinagaralan si Yaya Dub tungkol sa pag-ibig. Babalik na kaya sa kalye-serye si Alden bukas? - Day 72: The Letter That Launched A Thousand TearsE72
Day 72: The Letter That Launched A Thousand TearsWala pa rin si Alden sa barangay. Ngunit mayroon namang sumabstitute sa kanya - ang cute na cute na si Bae-by Baste. Samantala, si Lola Nidora napaluha nang mabasa ang isang misteryosong sulat. Ito na raw ang tamang panahon para kay Yaya Dub at Isadora. - Day 73: Walang Iwanan! Fight! Fight! Fight!E73
Day 73: Walang Iwanan! Fight! Fight! Fight!Wala si Alden sa 12th weeksary ng AlDub, ngunit may nagpasaya naman kay Yaya. Naki-celebrate sina Bae-by Baste and Yaya Luvs. Ok na sana ang lahat, ngunit muling nalungkot ang mga lola at si Yaya nang basahin niya ang sulat ni Isadora. - Day 74: Disguise Pa More!E74
Day 74: Disguise Pa More!Malungkot si Yaya dahil wala si Alden upang mag-celebrate ng kanilang weeksary. Isa pang dahilan ang kanyang pag-aalala sa pagbabalik ng kanyang inang si Isadora para kunin siya mula kay Lola Nidora. Dahil dito ay nahihirapan syang mag-rehearse para sa finals ng Bulaga Pa More. - Day 76: Phone CallE76
Day 76: Phone CallNagsimula ang Kalye-serye sa masayang pasasalamat nina Lola Nidora at Yaya Dub dahil sa award na nakuha nila sa kauna-unahang Catholic Social Media Awards. Ngunit sa gitna ng kanilang pag-uusap, may isang babaeng nagmamatyag sa kanilang mga kilos. Siya na ba si Isadora? Nakatanggap din si Yaya ng isang tawag, at sa laking gulat ng mga lola, naiyak na naman si Yaya Dub! Sino kaya ang kanyang nakausap? - Day 80: Happy Third Monthsary!E80
Day 80: Happy Third Monthsary!Masaya ang AlDub Nation ng naki-celebrate sila sa 3rd Monthsary kasama si Alden at ang mga Lola. Nag-alay din ng mga rosas si Alden sa kanilang mga fans. Nasaksihan at narinig din ang unang live phone conversation nila Alden at Yaya Dub. Ibinunyag ni Lola na meron siyang malaking sorpresa para sa dalawa, ano kaya 'yun? Bago matapos ay tumawag si Isadora at hinamon siya ni Lola Nidora na mag-usap para matapos na ang gulo. - Day 81: The Big SurpriseE81
Day 81: The Big SurpriseIsang malaking sorpresa ang naghihintay kay Yaya Dub sa kanyang pagbabalik sa KalyeSerye. Halatang na-miss ni Yaya Dub ang kanyang mga lola. Pero siyempre, na-miss rin niya si Alden. At sa pagkikita muli ng AlDub, handa na si Lola Nidora na ibigay ang kanyang malaking sorpresa. Sa wakas! Dumating na rin ang tamang panahon. - Day 82: The TruthE82
Day 82: The TruthIsa na namang pasabog ang inihayag ni Lola Nidora kanina tungkol sa tunay na pagkatao ni Yaya Dub. Lalo pang nalinawan kung sino ba talaga ang tunay na magulang ni Yaya, nang dumating si Isadora para ipaliwanag ang katotohanan - na hindi siya tunay na apo ni Lola Nidora at Lola Tinidora. Lahat daw nang ito ay kailangan malaman ni Yaya para maging handa siya sa 'Tamang Panahon' na magaganap sa Sabado. - Day 83: What Happened to Yaya?E83
Day 83: What Happened to Yaya?Wala na naman si Yaya Dub sa kalye-serye. Kasama raw ito ni Isadora sa pamamasyal dahil malapit nang umalis ang tunay na lola ni Yaya. Kahit wala si Yaya, tuloy pa rin ang bonding nina Alden at Lola Nidora. Tinanong rin ng mga lola kung handa na ba si Alden para sa Sabado at pinatunayan naman ni Tisoy na handa na siyang sumayaw at kumanta para sa mga AlDubarkads. Pero siyempre, hinahanap ni Alden si Yaya, kaya naman tinawagan ni Lola Nidora ito para kamustahin. Pero isang umiiyak na Yaya ang sumagot sa kanya. Ano kaya ang nangyari kay Yaya Dub? - Day 84: 3 Days To Go Para sa Tamang PanahonE84
Day 84: 3 Days To Go Para sa Tamang PanahonDahil wala si Yaya Dub kahapon, miss na miss na siya ni Alden. Kaya naman ng magkita ang dalawa, hindi na maawat ang kanilang kilig at pagka-sweet sa isa't isa. Tila hindi na raw sila makakapaghintay na dumating ang "Tamang Panahon" kahit pa, tatlong araw na lang ito. Ngunit, tila may gusto na namang manggulo sa kalye-serye! May dalawang lalaking dumating sa eksena at gustong nakawin ang blue folder ni Lola Nidora. Naglalaman daw ito ng sorpresa niya para sa Team Bahay sa Sabado. Sino kaya ang gustong kumuha ng folder ni Lola Nidora? Ano kaya ang laman nito? - Day 86: 1 Day to go!E86
Day 86: 1 Day to go!Muling nag-paalala si Lola Tidora at Tinidora ang mga bawal dalhin sa Philippine Arena, katulad ng selfie stick, paputok, pagkain, camping at iba pa. Ayaw nang sumama ni Lola Nidora dahil baka manggulo ang kumuha ng diary sa big event. Nag-aalala tuloy si Yaya kay Lola Nidora, excited pa naman para bukas.Tumawag na naman sa phone ni Lola Nidora ang mystery guy at nagbanta na ilalabas ang lihim ng diary ang guguluhin ang big event. Galit na nakikipag-usap si Lola Nidora sa mystery caller! Ano ba ang nakalagay na lihim sa diary? - Day 87: Tamang PanahonE87
Day 87: Tamang PanahonSa dami nang pinagdaanan ni Alden at Yaya Dub, sa wakas, dumating na rin ang tamang panahon para sa kanila. Isang momentous event ang naitala na naman ng 'Eat Bulaga.' Sinuportahan ng mga AlDubarkards ang "Sa Tamang Panahon" concert na ginanap sa Philippine Arena. Ang proceeds ng concert at ilalaan sa pagpapagawa ng AlDub library sa iba't ibang panig ng bansa. Hindi naman nabigo ang mga dumalo dahil napuno ng kilig ang Philippine Arena sa paghaharap, pag-uusap at pagyakap ni Alden at Yaya Dub. - Day 88: God Gave Me YouE88
Day 88: God Gave Me YouTuloy pa rin ang kilig na dulot ng "Tamang Panahon." Inulit ni Yaya Dub at Alden ang kanilang mga mensahe sa isa't isa na muling nagdulot ng mga ngiti at kilig sa mga manonood, lalo na't narinig nila muli ang tinig ni Yaya Dub. Inamin din niya na kinilig siya sa yakap ni Pambansang Bae noong Sabado. Si Lola Nidora naman, nabawi na ang diary. Binasa niya ang ilang pahina nito, ngunit kulang-kulang ito. Bago pa matapos ang episode, may isang bisita na magpapaselos kay Alden. Sino kaya ito? - Day 89: Susi para sa ForeverE89
Day 89: Susi para sa ForeverMalungkot si Lola Nidora ay dahil kulang na ang mga pahina ng diary. Binasa ulit ni Lola Nidora ang diary tungkol sa bahay at nagbigay ulit ng mga clues sa location ng bahay. Tumawag si Rhianna sa kay Lola Nidora, at inutos ni Lola na maglinis din sa mansyon para iwas dengue at itapon ang mga paso sa hardin. Ang susi sa forever ay nakatago sa isang paso, na gagamitin sa tamang panahon. Kaso nga lang inutusan ni Lola Nidora si Rhianna na itapon ang lahat ng paso sa mansyon. Paano na? - Day 95: The VisitorE95
Day 95: The VisitorHindi maganda ang araw ni Yaya dahil na-hack ang social media accounts niya. Kaya si Alden, nag-Lola Nidora para pasayahin ang dalaga. Hindi gumana ang pagpapasaya ni Alden kay Yaya, nag-LQ sila. Si Lola Nidora pinagsabihan si Yaya na dapat na-a-appreciate niya ang effort at attention na ibinibigay ng isang tao. Kaya naman sinuyo nito si Alden. Sa huli, nagbati rin ang AlDub ngunit may dumating naman na bisita. Sino siya? - Day 97: Tiya Bebeng and the PabebesE97
Day 97: Tiya Bebeng and the PabebesHappy 16th Weeksary AlDub! Ito ang araw ng pagbisita ni Tiya Bebeng sa barangay na pinaghandaan nila. Nalaman nya din ang mga nangyayari sa pagmamahalan nila Alden at Yaya Dub na ikinatuwa na din nya in the end o naintindihan din nya ang kanilang pag iibigan. - Day 98: King and QueenE98
Day 98: King and QueenHandang-handa na nga ang AlDub para sa kanilang performance sa "Bulaga Pa More, Gaya Gaya Pa More" ng Eat Bulaga ngayong Sabado. Ngayong Biyernes nga sa Kalyeserye, todo-bihis ang dalawa sa pagpapakita ng kanilang talent. Sa huli, may bilin si Lola Nidora sa AlDub. Kailangan daw, sabay ang performance ng phenomenal love team. Sino ang dapat gayahin ng AlDub? - Day 99: Guy and PipE99
Day 99: Guy and PipInabangan ng lahat ang performance nina Alden Richards at Yaya Dub sa Bulaga Pa More, Gaya Gaya Pa More. At hindi naman sila nabigo, dahil ginaya ng dalawa ang 1970s phenomenal love team nina Guy and Pip! Lalo pang kinilig ang mga viewers nang mapanood nila ang sweet na duet nila! Pagkatapos ng kanilang duet, binigyan ni Tisoy ng tatlong pulang rosas si Yaya. Ibibigay rin sana ni Alden ang singsing na nakuha sa Bahay ni Lola, pero nawawala ito! Nasaan ang singsing? - Day 100: Finding SingsingE100
Day 100: Finding SingsingUmpisa pa lang ng linggo, mainit na ang ulo ni Lola Nidora. Nawala kasi ni Alden ang singsing na mahalaga sa kanilang pamilya. Si Alden nag-reminisce dahil ika-100 days ng una nilang pagkikita ni Yaya Dub. Sinorpresa niya si Yaya with flowers na hinatid ng riding-in-tandem. Si Yaya may sulat naman na ipinaabot kay Alden. Kahit nag-celebrate ng 100 days ang AlDub, si Lola hindi pa rin masaya dahil sa missing ring. - Day 104: Ang Mga Lihim Ni Lola NidoraE104
Day 104: Ang Mga Lihim Ni Lola NidoraNagseselos si Yaya Dub sa model na inirereto ni Lola Babah kay Alden. Samantala, mayroon namang dalawang mabigat na problema si Lola Nidora. Nakasanla pala ang mansyon nina Lola Nidora kay Lola Babah! Paano na ang pinaghahandaang surprise birthday party para kay Lola Nidora? Matubos kaya nila ang mansyon? - Day 105: Lola Nidora's 90th BirthdayE105
Day 105: Lola Nidora's 90th BirthdaySuccessful ang surprise birthday celebration ni Lola tidora at Yaya Dub para kay Lola Nidora! Sa suprise birthday party para kay Lola Nidora, ipinakilala nina Alden at Yaya Dub ang isa't isa sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Paano naman kaya ang mansyon? Matubos pa kaya ito ni Lola Nidora kay Lola Babah? - Day 108: I've Had Enough!E108
Day 108: I've Had Enough!Nagkaroon ng LQ sina Alden at Yaya dahil kay Cindy. Nagseselos si Yaya dahil baka magustuhan ni Alden ang modelong gusto ni Lola Babah. Nagpunta si Cindy sa Broadway at inamin ni Alden sa iba ang nagpapatibok ng puso nya. Hindi nagustuhan ni Cindy ang narinig at umalis ito ng studio para magsumbong kay Lola Babah. - Day 109: 18th WeeksaryE109
Day 109: 18th WeeksaryBumisita si Alden sa barangay para personal na tanungin si Lola Nidora kung puwede niyang maka-date si Yaya para sa kanilang 18th weeksary. Ayaw ni Lola noong una, ngunit dahil sa pagmamahal sa apo at tiwala kay Alden, pumayag na rin siya. May inihandang surprise date si Alden sa Broadway. Pero tila gusto ni Cindy sirain ang kasiyahan. Hindi natuwa si Yaya sa pagdating ng Russian supermodel. Nagtagpo na ang mga naglalaban para sa puso ni Alden at nag-showdown pa ang dalawa. Ngunit nawalan ng sigla si Yaya nang sabihin ni Cindy na engaged na sila ni Alden dahil ito raw ang ipinangako ni Lola Babah. Tuluyan na bang masisira ang AlDub? - Day 110: The InvitationE110
Day 110: The InvitationMalungkot si Lola Nidora dahil naaawa siya sa heartbroken na apo. Malungkot din si Alden sa sitwasyon nila ngayon. Tumawag si Lola Babah kay Alden. Tinanong ng binata kung bakit hindi sinabi sa kanya na inayos na pala ang kasal kay Cindy. Samantala, dumating si Cindy sa barangay para puntahan ang mga lola. May pasalubong pa! May dumating naman na sulat para kay Lola Nidora. Iniimbitahan ni Babah sina Nidora, Tidora, at Yaya Dub sa mansion. Bakit kaya? - Day 111: Donya Babah's MansionE111
Day 111: Donya Babah's MansionHabang pinaghahandaan ni Doña Babah ang kanyang mga bisita sa mansyon, may tampuhan pa rin si Alden at Yaya Dub. Pero siyempre, nagkabati rin ang dalawa dahil nangako si Alden na tutulungan niya sila sa kanyang Lola Babah. Nang dumating sa mansion ni Doña Babah sila Lola Nidora, Tidora at Yaya Dub, ipinakita ng lola ni Alden ang kabuuan ng mansyon. Isa ring sorpresa ang inihanda ni Doña Babah sa tatlo-- isasauli na nya ang mansyon ni Lola Nidora pero may isang kundisyon. Tuloy ang kasal ni Alden kay Cindy! Paano na ang forever ng AlDub? - Day 113: Letter of ApprovalE113
Day 113: Letter of ApprovalHindi makausap ng matino si Yaya Dub dahil sa nalalapit na kasal ni Alden kay Cindy sa Sabado. Inamin din ni Yaya na nag-aalala siya na baka hindi na bumalik si Alden. Kaya ang mga lola, pinag-practice si Yaya ng kanyang gagawin kung mangyari nga ang kinatatakutan nila, Nasaan na nga ba si Alden? Babalik pa ba siya? - Day 116: What We Almost HadE116
Day 116: What We Almost HadMalungkot na malungkot si Yaya Dub habang nag uusap usap sila ng kanyang mga Lola na si Lola Tidora at Lola Nidora. Pumunta rin si Cindy sa Barangay para kumustahin ang mag-lola at Yaya Dub. Mamaya't maya dumating na rin si Frankie at may dalang isaw at bulaklak para kay Cindy na pinangako nya ito sa kanya. Nakapunta rin si Alden sa Barangay para puntahan si Yaya Dub at kausapin sya tungkol sa desisyon nito na umalis ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Tapos na kaya ang forever sa pag-iibigan nilang dalawa at matutuloy na ang kasalang Alden at Cindy sa Sabado? - Day 117: Forever Pa More!E117
Day 117: Forever Pa More!Habang abala ang lahat sa paghahanda sa kasal nina Cindy at Alden, kapansin-pansin na malungkot sina Yaya Dub, Alden, Frankie at ang mga lola. Si Alden, halos ayaw magbihis para sa kanyang kasal at ayaw kausapin ang kanyang Lola Babah. Samantala, si Yaya Dub, nagpadala pala ng sulat sa lola ni Alden. Isang sulat na nagsusumamo na bigyan sila ni Alden at ang kanilang pagmamahalan ng chance. Naantig si Lola Babah sa sulat ni Yaya, at nagbago ang kanyang isip. At last, payag na sya sa pagmamahalan nina Alden at Yaya! Tuloy na nga ang forever ng dalawa, pero paano na si Cindy? - Day 119: The Return of Lola TinidoraE119
Day 119: The Return of Lola TinidoraSa wakas, nagbalik na si Lola Tinidora! Marami syang dalang pasalubong from Cebu at hindi pala siya sa U.S. nagpunta. Tuwang-tuwa naman sila Lola Nidora, Tidora at Yaya Dub sa kanyang pagbabalik. Inamin naman ni Lola Tinidora na na-miss din niya ang AlDub at ang mga nakakakilig at nakakatuwa nilang mga eksena. Pero bakit tila naiiyak siya? May problema ba si Lola Tinidora? - Day 121: 20th Weeksary!E121
Day 121: 20th Weeksary!Si Alden, i-susurprise si Yaya dahil 20th weeksary na pero si Yaya, nasa Broadway para i-surprise si Alden. Sayang, nagkasalisi sila pero kahit magkahiwalay, siniguro pa rin nila na masaya ang weeksary. May isa pa raw sinadya si Yaya sa Broadway. Magpapa-autograph daw siya ng picture ni Alden noong estudyante pa siya! - Day 123: ALDUB Magic Forever!E123
Day 123: ALDUB Magic Forever!Nalaman ni Lola Nidora na mayroon siyang diabetes kaya kailangan niyang ingatan ang kaniyang health. Meanwhile, excited na si Yaya Dub para sa date nila ni Alden. Isang nakakakilig na AlDub date sa theme park sa Laguna ang nasaksihan ng AlDub Nation. - Day 124: A PromiseE124
Day 124: A PromiseKinikilig pa rin sina Alden at Yaya Dub sa pagpunta nila sa Enchanted Kingdom noong Sabado. Pero hindi makita ni Yaya ang singsing na pinaubaya ni Alden. Buti na lang at nandoon si Doktora Dora at may dalang mga gamot para sa kalimot. Naalala na ni Yaya na ang singsing ay nakaipit lang pala sa tenga nya at napansin nyang may nakaukit dito. Ano kaya ito? - Day 127: Happy 21st Weeksary!E127
Day 127: Happy 21st Weeksary!May letter na naman si Yaya para kay Alden! Syempre, hindi magpapatalo si Tisoy. Dumating ang riding in tandem para dalhin ang regalo ni Alden para sa kanilang weeksary. Jacket, ang laman ng regalo na katerno naman ng jacket ni Alden -- 'Couple jacket!' Lalo pang kinilig ang AlDub nation ng sabihin ni Alden na mahal niya si yaya! Dagdag pa dito, aprub na kay Lola Nidora ang wish ni Alden para sa December 11. Ano kaya ang mangyayari? - Day 132: 5th MonthsaryE132
Day 132: 5th MonthsaryPinaunlakan ng mga lola ang imbitasyon ni Alden na pumunta ng Broadway at syempre humabol si Yaya galing sa school. Palalampasin ba niya ang chance na makasama si Alden sa monthsary nila? Habang nagse-celebrate ang dalawa, pinag-relax naman ni Alden ang mga lola. - Day 135: Daddy Dod In The House Yo!E135
Day 135: Daddy Dod In The House Yo!Magkahalong hilo at kaba ang nararamdaman ni Yaya Dub sa posibilidad na makilala na niya ang kaniyang tunay na ama. Tinutulungan si Yaya ng mga Lolas at ni Alden na tanggapin ang situation at isipin na baka matupad na ang kaniyang Christmas wish na makilala ang kaniyang ama. Maya-maya ay dumating na si Dodong Smash a.k.a. Tatay Dod pero hindi kinaya ni Yaya Dub ang mga pangyayari at hinimatay siya. Nang mahimasmasan si Yaya Dub, na-realize niya na marami pala silang similarities ng kaniyang ama gaya na lang ng pagdu-DubSmash ng Pabebe Girls. Pinakilala na rin kay Daddy Dodong ang manliligaw ni Yaya Dub na si Alden at pinag-"I love you" niya ang binata sa kaniyang anak. - Day 136: Christmas Caroling ContestE136
Day 136: Christmas Caroling ContestTuloy ang paghahanap ng mga lola ng paraan para kumita samantalang hindi mapigilan ni Yaya Dub maging malungkot. dahil miss na niya kaagad si Dodong. Nalungkot rin ang magkakapatid dahil sa estado ng buhay nila at inako ni Nidora ang responsibildad. Hahanap daw siya ng paraan para maging maligaya ang Pasko nila. Bigla namang nakatanggap ng sulat ang mag-lo-lola tungkol sa caroling contest sa barangay kung saan puwede silang manalo ng bahay at lupa. - Day 137: Practice Pa MoreE137
Day 137: Practice Pa MoreTuloy ang paghahanap-buhay ng mga lola at kumakayod sila simula nang mawala sa kanila ang mansyon. Samantala, inaasikaso ni Lola Nidora ang kanilang pagsali sa caroling competition, kaya’t inimbitahan niya ang kanyang amigang si Geleen Eugenio para i-choreograph ang kanilang performance. - Day 138: CCC PreparationE138
Day 138: CCC PreparationTuloy na ang pagsali ng mga maglolola sa Christmas Caroling Competition! Nahihirapan man, ay determinado ang mga lola na lalaban sila at hindi susuko. Naghanap sila ng kanilang costume at pati ang mga Rogelio, kasama sa competition. Si Dora, binigyan pa sila ng gamot na pampaganda ng boses. At si Alden, todo ang suporta sa mga lola at syempre kay Yaya Dub. - Day 139: Christmas Caroling Competition 2015E139
Day 139: Christmas Caroling Competition 2015Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Yaya Dub at ng mga lola. Binigyan sila ni Dra. Dora ng Pampalakasus Loobis na mula sa pawis ng blue whale bago mag-perform. Nagdasal muna si Yaya Dub at mga Lola bago tumungtong sa stage, nakisama rin sa pagdarasal si Alden. Ngunit sa huli, iba ang nakapag-uwi ng premyo. Pinanghinaan ng loob ang mga Lola at Yaya Dub dahil 'di nila naiuwi ang inaasam na premyo. Para pasayahin sila ay inimbitahan ng mga Dabarkads ang mga Lola at si Yaya Dub na gunitain ang araw ng Pasko sa Broadway